-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Dumating na kahapon ang 278 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Department of Health ( DOH ) region 2.

Sa naging panayam ng bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Roldan Esdicul ng Batanes, sinabi niya na sa ngayon ay nanatili pa ring COVID-19 free o walang naitatalang kaso ng COVID-19 ang kanilang lalawigan sa loob ng mahigit dalawang buwan.

Natuwa ang pamahalaang panlalawigans Batanes dahil sa kabila ng pagigng COVID-19 free ay isa sila sa mga nabigyan ng bakuna kontra COVID-19.

Lulan ng bagong black hawk helicopters ng Philippine Airforce ay lumapag sa lalawigan ng 278 doses ng bakuna.

Kaugnay nito ay agad na sinimulan ng pamahalaang panlalawigan ang rollout ng bakuna kaninang 9:00am.

Unang binigyan ng bakuna ang Batanes General Hospital, Itbayat District Hospital at mga healthcare workers na nakatalaga sa quarantine facilities.

Unang nabakuhana ay ang kanilang Chief of Hospital na si Dr. Jeffrey Canseran.

Sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na ulat ng anumang adverse effect ng bakuna.

Samanatala, sa kabila naman ng paglalabas ng resolution 101 ng IATF ay nagkaisa ang mga opisyal ng lalawigan ng Batanes na panatilihin pa rin ang pagpapatupad ng 14-day mandatory quarantine para sa mga umuuwing ROF, APOR at non-APOR.

Aniya, ilan sa mga dahilan kung bakit ipagpapatuloy nila ang pagpapatupad ng mandatory quarantine ay ang kakulangan ng pasilidad at kawalan ng laboratory para masuri ang mga dumarating sa lalawigan at kawalan ng kakayahan ng lalawigan para masugpo ang mga naitatalang kaso ng COVID 19.