Lumakas pa ang bagyong Jenny habang ito ay patungo sa northwestward ng karagatan ng bansa.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may 410 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
May taglay ito na lakas ng hangin ng 165 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 205 kph.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal number 2 sa Batanes habang ilang mga lugar na nasa signal number 1 na kinabibilangan ng mga sumusunod: Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Northern at eastern bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Ilagan City, San Mariano, Santo Tomas, Dinapigue, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Quirino, Delfin Albano, Quezon, Mallig) Apayao, Northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong), Northern portion of Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk) at llocos Norte.