-- Advertisements --
Niyanig ng 4.9 magnitude na lindol ang mga isla sa extreme Northern Luzon.
Ito ay ilang araw lamang matapos silang tamaan ng magkakasunod at malalakas na bagyo.
Naitala ang lindol kaninang alas-11:35 ng umaga.
May lalim itong 16 km at tectonic ang pinagmulan.
Natukoy ang epicenter sa layong 6 km sa hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Naramdaman ang intensity II sa Basco, Batanes habang mahina lamang ang na-detect sa iba pang lugar ng nasabing lalawigan.
Wala namang naitalang pinsala mula sa nasabing pagyanig.