DAGUPAN CITY – Nilinaw ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Batanes na hindi nila isinasara sa mga turista ang buong lalawigan matapos ang pagtama ng dalawang mapaminsalang lindol sa Itbayat.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Batanes PDRRMO head Roldan Esdicul, na bukas parin naman sa mga turista ang kanilang probinsya lalo at ang bayan lamang aniya ng Itbayat ang labis na naapektuhan.
Giit nito na walang anumang kinanselang booking ng mga turista na nais pumasyal sa lalawigan sa kabila ng lindol.
Bagamat, kailangan aniyang magkaroon ng koordinasyon sa kanilang tanggapan ang mga ito lalo na ang mga nais na mabisita ang isla ng Itbayat na labis na napinsala ng lindol para narin sa kanilang kaligtasan.