-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pinaghahanap ang isang batang babae na pinaniniwalaang dinukot sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Ren-Rose Orbino, 12-anyos at residente ng Barangay Midpapan 2 Pigcawayan Cotabato.

Sa imbestigasyon ng PNP-Pigcawayan, Marso 3, 2021 huling nakita ang bata.

Ayon naman sa mga kamag-anak ng biktima, posibleng dinukot umano si Orbino ng isang nagngangalang Abner Manife na may matagal ng may gusto sa kanya.

Malaki ang paniniwala ng pamilya ng biktima na ginayuma ng suspek ang batang dahilan upang ito ay sumama sa kaniya ng walang pag-aalinlangan.

Nananawagan naman ngayon ang PNP-Pigcawayan sa mga nakakaalam o nakakita sa kinaroroonan ni Orbino na makipag-ugnayan sa kanilang opisina o tumawag sa numerong 0917-840-6935.