-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Nasa kritikal na kondisyon ang isang 9-anyos na batang babae matapos binugbog ng kaniyang step-father sa Purok-5, Barangay Del Monte sa bayan ng Talacogon, Agusan Del Sur.
Kinilala lang ang batang biktima na si alyas Diding habang ang suspek naman ay si Bulam Kembriya, 42-anyos, residente ng nasabing lugar.
Napag-alamang nagreklamo sa Talacogon Municipal Police Station ang lola ng biktima na si Ernita Estrilla kung saan isinalaysay nitong maliit lamang ang pagkakamali sa bata ngunit binugbog ito ng kaniyang stepfather.
Napuruhan ang bata na daling dinala sa Davao Regional Center habang patuloy na pinaghahanap ang suspek na kaagad na tumakas matapos ang pangyayari.