-- Advertisements --

ILOILO CITY- Nakapagtala na ng 16 na firecracker related injuries ang Western Visayas mula Disyembre 21 hanggang 27.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Bea Camille Natalaray, spokesperson ng Department of Health (DOH) Region 6, sinabi nito na sa 16 na mga kaso, 13 ang mga menor de edad.

Ayon kay Natalaraym, may 7 taong gulang rin na batang babaye na naputulan ng daliri dahil sa paputok na 5 star.

Mas mataas naman anya ang firecracker related injuries ngayong taon kun ihambing sa nasabing time period noong 2020.

Pinaka common naman anya na paputok na ginamit ng mga biktima ay ang boga, trianggulo at bilong-bilong.