Nagpakitang gilas ang 12-year old achiever na si Mateo Espocia matapos itong tanghalin bilang World Champion sa World International Mathematical Olympiad sa Bangkok, Thailand.
Pinangunahan ng Grade 6 student mula Bulacan ang international competition na nilahukan ng mga bansang India, Vietnam, Australia, Iran, at iba pa.
Sa panayam ng Star FM Baguio sa young math achiever, ibinahagi nitong noong 2021 ay sumali na rin siya sa kompetisyon at naiuwi niya ang second place. Proud ito dahil sa wakas ay nakuha na niya ngayong taon ang grand prize.
“I joined the same competition in 2021 and 2022 so for the last two years I got second place and got really close to becoming the champion. Also, I was so nervous. It was kind of nerve-wracking.”
Kabilang si Espocia sa 178 na delegates ng bansang Pilipinas. Nakapag-uwi naman ng kabuuang 52 silver at 67 bronze medals ang mga Pinoy participants sa kompetisyon.