-- Advertisements --
DAVAO CITY – Isa ang patay matapos lamunin ng apoy ang dalawang bahay sa Purok Caimito, Mankilam, Tagum City, Davao Del Norte, bandang alas-3:30 nitong Lunes ng hapon.
Base sa ulat nga mga otoridad, nagsimula umano ang apoy sa kusina ng bahay na pagmamay-ari ng isang Boy Maduyag at mabilis na kumalat sa isa pang bahay na pagmamay-ari ng isang Romolo Carig na kasalukuyang nirerentahan naman ni Lito Laroa.
Sinasabing mabilis na lumaki ang apoy dahil gawa lamang sa mga light materials ang mga nasabing bahay.
Dahil sa nasabing pangyayari, patay ang anim na taong gulang na bata na nakilalang si Jaylord Maduyag.
Napag-alamang natutulog at nag-iisa lamang ang bata sa kanilang bahay nang mangyari ang sunog.