Pumalo na sa 15,694 na mga bata at nasawi at 17,000 ang mga nawalan ng magulang sa pagtapak ng ika-250 araw ng giyera sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza.
Ayon sa Hamas government sa Gaza na mayroong kabuuang 37,202 katao ang sinasabing nasawi sa Gaza at 10,000 na iba pa ang nawawala.
Tinatayang 33 katao ang nasawi dahil sa kagutuman, 498 na medical staff ang nasawi, 150 journalist ang nadamay kung saan sa kabuuang bilang ay 70 percent sa mga ito ay mga bata at kababaihan.
Base rin sa kanilang pagtaya na mayroong 5,000 na mga katao mula sa Gaza ang nakakulong habang aabot sa 79,000 na mga toneladang pampasabog ang ibinagsak ng mga Israeli forces.
Mayroon ding 206 na mga archeological at heritage sites ang nasira at ang inisyal na nasira ay aabot sa $33-bilyon.