Patay ang isang batang Army Officer matapos maka-enkwentro ang mga mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Paquibato District sa Davao City.
Alas-4:00 kahapon ng hapon ng makasagupa ng mga operating units ng 16th Infantry Battalion ang komunistang NPA.
Nakilala ang nasawing opisyal na si 1Lt. Jarren Relota, commander ng Bravo Company.
Ayon kay Eastern Mindanao Command Spokesperson Maj. Ezra Balagtey rumisponde ang tropa kaugnay sa presensiya ng armadong NPA pero pinaulanan na sila ng bala ng mga komunistang grupo.
Nakapag retaliate pa ang mga sundalo pero nagpasabog ng improvised explosive device ang NPA na naging dahilan sa pagkasugat ng dalawang sundalo.
Kinondena naman ni Joint Task Force Haribon Commander MGen. Noel Clement ang ginawa ng NPA.
Tiniyak ni Clement na lalo pang palalakasin ng militar ang kanilang operasyon laban sa NPA.
Si 1Lt Jarren Jay Relota ay 27-anyos at tubong San Jose Antique, graduate ng BS Criminology sa University of Antique at isang Licensed Criminologist.
Si 1Lt Relota ang nag-iisang anak na lalaki ng mag-asawang Joel at Celine Relota.
Produkto siya ng Officer Candidate School na grumadweyt nuong May 2013.