-- Advertisements --
Itinanggi ni PBA player Fran Yu na kaniyang sinapak ang isang barangay kagawad ng sa Sta. Cruz, Maynila.
Nangyari ang alitan ng NorthPort Batang Pier guard ng sitahin ito sa pagpaparada sa harap ng fast food chain sa Barangay 350,Sta. Cruz, Manila.
Sa una ay sinabihan ito ng mga barangay tanod na kung maari ay ilipat ang kaniyang pagpaparada ng motorsiklo.
Nagkaroon ng alitan ang basketbolista at mga tanod kaya dumating si Kagawad Victorino Farrales.
Wala umanong naganap na tulakan dahil bahagyang nahulog sa gutter ang barangay opisyal.
Mas lalong uminit ang pangyayari sa pagdating ng ama ng basketbolista kung saan ito ay nakipag sagutan.
Tiniyak naman ng barangay opisyal na kanilang sasampahan ng kaukulang kaso ang nasabing basketbolista.