-- Advertisements --

Tinambakan ng NorthPort Batang Pier ang TerraFirma Dyip 133-107 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagtala ng triple-double si Arvin Tolentino sa score na 23 points, 11 rebounds at 10 assists habang mayroong 26 points at 15 rebounds si Vanky Jols.

Mula sa simula ay hindi na hinayaan pa ng NorthPort pa makalamang pa ang Dyip kung saan pumalo pa sa 28 points ang kanilang naging lamang.

Mayroon ng tatlong panalo at tatlong talo ang NorthPort habang wala pang panalo ang Dyip sa anim na laro nila.