Magtatapatan na simula ngayong araw ang mga atleta mula sa 149 na lungsod, at 82 na lalawigan sa buong bansa, sa pagbubukas ng Batang Pinoy at Philippine National Games (PNG) 2023.
Lalahok sa Batang Pinoy ang mga atletang nasa 17-taon gulang pababa, habang sa PNG naman ang mga nasa 18-taon gulang pataas.
Gaganapin ang patimpalak mula December 17 hanggang 22 sa kalakhang Maynila.
Gagamit din ng mga pasilidad mula sa Tagaytay City at Sta. Rosa City, Laguna para sa ilang mga kategorya katulad ng beach volleybal at cycling.
Nasa 25 na ibat ibang sports ang nakalinya para sa paglabanan ngayong taon ng nasabing torneo. Nakatakdang isalang ngayong araw ang mga sports na archery, badminton cycling, futsal, football, judo, kickboxing, Muaythai, pencak silat, sepak takraw, swimming, taekwondo, table tennis, weight lifting, wrestling, at wushu.
Ginaganap taon-taon ang Batang Pinoy at PNG para sa pagpapamalas ng kakayahan ng mga atletang pinoy, at pagpapalawig ng potensyal ng mga kabataan sa larangan ng sports.