-- Advertisements --

Nagpakita ng kakaibang kaalaman pagdating sa sayantipiko ang 10-taong gulang at grade 5 student mula sa Oriental Mindoro
na si si John Mariñas.

Kung saan naiuwi ni Mariñas ang gintong medalya sa ginanap na ika-6 na Copernicus Olympiad sa Houston, Texas, USA.

Sinabak si Mariñas sa Natural Science category, kung saan na secured nito ang ikatlong pwesto sa category 2 (Grade 5-6).

Ang Copernicus Olympiad ay isang global science competition na humuhubog sa mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng natural science, physics, astronomy, film, entrepreneurship, at mathematics.

Sa isang pahayag aminado ang 10-taong gulang na si Mariñas na kinabahan ito noong kumuha ng pagsusulit at hindi inaasahan na maiiuuwi ang gintong medalya.

Si John ang pinakabatang miyembro ng Team Philippines, na kinabibilangan ng limang iba pang kalahok na nag-compete sa iba’t ibang kategorya. Kasama nila si Richmarth Duke Bad-ang (Bronze Medal, Natural Science Category 5), Iwen Sabio Manabo (Silver Medal at 2nd Absolute Winner, Natural Science Category 5), Rijan Felminia Acevedo (Gold Medal at 2nd Place Absolute Winner, Natural Science Category 4), Jaymee Kristen Concha (Bronze Medal, Natural Science Category 4), at Marquis Xavier Zamuco (Bronze Medal, Physics and Astronomy Category 3).

Kahit na may malaking passion si John sa science, naii-balanse niya pa rin ito sa iba pa netong interes, tulad ng paglalaro ng mga sports, lalo na ang basketball.

Bagaman hindi pa siya tiyak sa kanyang magiging karera sa hinaharap, sigurado naman ito na sundan ang landas sa larangan ng science.