Ibinasura ng Comelec ang aplikasyon ng isang grupo na Batang Quiapo bilang partylist organization.
Para kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nabigo ang mga nagsusulong nito para mailahad ang kompletong requirements bilang isang sectoral group.
Bahagi kasi ng panuntunan ay patunayan ng isang grupo na sila ay kumakatawan sa isang marginalized group.
Ang generalized advocacy umano ay hindi kinikilala ng poll body, dahil ang tunay na adhikain ng batas ukol sa partylist ay magkaroon ng kinatawan mula sa mga partikular na grupo ng lipunan.
Hindi rin maaaring maging limitado para sa kapakanan ng mga taga Quiapo sa Maynila ang mga isusulong na mga panukala at adbokasiya.
Naniniwala naman ang ilang election watchdog na sinasamantala lamang ng grupo ang kasikatan ng isang teleserye para makahatak ng kanilang mga taga suporta.