-- Advertisements --
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na talamak ang iligal na droga sa probinsiya ng Batangas at Lucena City sa probinsya ng Quezon.
Isinagawa nito ang pahayag sa talumpati niya sa kampanya ng PDP Laban sa Batangas City.
Sinabi ng pangulo na wala itong pinatatamaan dahil kasalukuyang nasa listahan pa rin ang nabanggit ng mga lugar kung saan talamak ang iligal na droga.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay ibinunyag ng pangulo na mayroong 46 na mga pulitiko ang sangkot sa iligal na droga, kabilang dito sina Mayor Roderick Alcala ng Lucena, Mayor Eualalio Mendoza Alilio ng Lemery, Batangas at Juan Valencia Toreja ng Ibaan, Batangas.
Tiniyak din nito na patuloy ang kampanya ng kaniyang gobyerno laban sa iligal na droga.