-- Advertisements --

Nasa “hot water” ngayon ang alkalde ng Lian, Batangas na si Mayor Isagani Bolompo matapos maghayag ng saloobin ang mga residente doon ukol sa mga nagaganap na illegal quarry operations at hindi makatwirang paniningil ng PART na environmental fee sa lahat ng nagpupunta sa kanilang beaches.

Ito ay makaraang kuwestyunin ng grupo ang iginawad na development permit ng alkalde sa ilang korporasyon kahit wala naman itong environmental compliance certificate (ECC).

Ayon kay Dennis Ilagan, tumatayong representative ng mga magsasaka, nakipagsabwatan si Mayor Bolompo sa ilang negosyante upang ma-develop ang ekta-ektaryang lupain na pag-aari ng daan-daang magsasaka.

“Dinedevelop nila na walang ECC (environmental compliance certificate) pero meron sila Mayor’s permit…Illegal nya ibinigay ang permit kasi walang ECC, walang conversion, wala ring HULRB pero meron sila development permit,” diin ni Ilagan.

Ibinigay anya ang permit sa kabila ng kanilang babala dahil nanalo na ang mga magsasaka sa kaso at naglabas ng order ang Department of Agrarian Reform (DAR) na ang lupain ay pag-aari ng mga magsasaka.

“Sinabi na namin na huwag bigyan ng permit kasi we won the case in 2016, binigyan pa rin nila because of money and we know that kasi nagsasalita ang mga konsehal na nakatanggap sila.” dagdag pa nito.

Noong Enero 21, naglabas ng cease and desist order ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) lupang itigil ng kumpanya ang development project.

Ito ay dahil sa paglabag sa Republic Act 7492 o Philippine Mining Act of 1995.

“In view hereof, you are hereby issued this Cease and Desist Order to immediately refrain from such illegal operation and non-compliance with this Order shall compel this office to file appropriate charges against you in accordance with the pertineny provisions of the existing mining and environmental law, rules and regulations” base sa kautusan ng DENR.