-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Batangas.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ito 8:59 nitong Linggo ng gabi at ang epicenter ay sa Mabini, Batangas at ito ay tectonic.

Naitala ang intensity 5 sa Mabini at Bauan, Batangas.

Intensity 4 sa Batangas City at Santo Tomas, Batangas.

Intensity 3 sa Malvar, Cuenca, Tanauan, San Pascual at Calatagan, Batangas; Puerto Galera, Oriental Mindoro at San Pablo, Laguna.

Intensity 2 sa Alfonso, Cavite; San Teodoro, Oriental Mindoro.

Dakong 10:02 naman ng gabi ay tumama ang magnitude 4 na lindol sa parehas din na lugar.

Mayroong intensity 3 sa Mabini at Bauan, Batangas at Batangas City; intensity 2 sa Puerto Galera, Oriental Mindoro at intensity 1 sa San Pascual, Batangas at sa Tagaytay City.