-- Advertisements --
batangas Port

Libo-libong pasahero na ang naitala ng Batangas Port habang patuloy na nagsisiuwain ang mga Pilipino sa kani-kanilang mga probinsya para makaboto sa BSKE bukas Oktubre 30.

Batay sa datos , umabot sa mahigit 25,000 outbound passenger ang nagtungo sa naturang pantalan.

Inaasahan rin na patuloy pa itong dadating hanggang sa mga susunod na araw.

Naka deploy na rin ang 30 na non-frontline port personne upang umalalay sa mga pasahero habang marami rin ang mga tellers na nag iikot para mag isyu ng ticket.

Nagpaalala naman ang pamunuan ng Batangas Port sa mga bayhero na magtungo sa kanilang pantalan ng mas maaga sa kanilang nakatakdang departure time.