-- Advertisements --

Layunin ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas na bigyang proteksyon ang mga natural and cultural sites ng lalawigan lalo na ang Verde Island Passage at Taal Volcano, na sentro ng marine biodiversity.

Ayon kay Batangas Governor Hermilando Mandanas, sinusulong ng kanilang tanggapan ang pagsasama ng Taal Volcano Protected Landscape at Verde Island Passage sa UNESCO Wolrd Heritage Site Distinction.

Matatandaan na idineklara ng UN ang coral triangle, kung saan matatagpuan ang Verde Island Passage, bilang source ng higit 30 porsyento ng pagkain sa mundo.

Dagdag pa ni Gov. Mandanas, nag petisyon na ang kanilang tanggapan upang iangat ang Verde Island Passage at Taal Volcano sa pagiging World Heritage Site.