-- Advertisements --
Pinasok na rin ng tubig-baha ang Batangas Provincial Hospital dahil sa walang-tigil na pag-ulan.
Ayon sa Batangas Public Information Office, nabaha na ang ward at emergency room ng ospital at kinailangan nang ilipat sa mas ligtas na lugar ang mga kagamitan.
Dahil dito, hindi na muna tatanggap ng pasyente ang naturang ospital habang patuloy na binabantayan ang mga pasyenteng kasalukuyang nasa pangangalaga nito.
Ang naturang pagamutan ay nasa bayan ng Lemery, Batangas.
Ayon naman sa pamunuan ng ospital, naka-standby ang mga personnel nito sakaling lalo pang tumaas ang lebel ng tubig.