-- Advertisements --

Mas lalo pang paiigtingin ng Department of Labor and Employment ang pagpapatupad sa “Batas Kasambahay” o Republic Act 10361 para mas mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga kasambahay ng bansa.

Ayon kay DOLE Workers’ Welfare and Protection Cluster Undersecretary Benjo Santos Benavidez sa taunang selebrasyon sa araw ng mga kasambahay na nakasentro sa paglalapit ng mga serbisyo ng pamahalaan para sa mga manggagawa ng bansa.

Ipinatupad ang batas para sa mga kasambahay o mas kilala bilang Republic Act 10361 “Batas Kasambahay” na pinirmahan ni Pangulong NoyNoy Aquino noong Enero 18, 2013.