-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano malinaw ang batas kaugnay sa Red Tagging para sa ilang tao o grupo na nagpapahayag ng kanilang pagkontra sa ilang programa ng gobyerno na sa kanilang pananaw ay isang banta.

Ito ang ibinihagi ni CHR 12 Spokesperson Atty. Keyzie Gomez sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Nilinaw rin nito na ang nasabing uri ng pagtawag ay galing sa mga grupo na nasa gobyerno katulad ng militar na siyang nakikipaglaban para sa bansa.

Hindi umano matatawag na krimen ang paniniwala sa ilang communist principles maliban na lamang kung ang isang indibidwal ay sumali sa isang armadong grupo.

Dagdag pa nito, na ang nasabing hakbang ay kabilang sa adbokasiya ng pamahalaan upang mas maging madali ang pag dakip sa mga grupo na nasa likod ng may mga hindi magandang layunin o gustong sirain ang maayos na pamamalakad ng gobyerno.