BUTUAN CITY – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte at ganap nang naging batas ang hakbang na magta-transform sa Butuan City na sakop ng Agusan del Norte sa single congressional district.
Ilalim sa Republic Act 11714 na pinirmahan ng Pangulong Duterte noong Abril a-27, ang lalawigan ng Agusan del Norte ay nire-apportion na sa lone legislative district ng Butuan City at sa legislative district sa lalawigan ng Agusan del Norte.
Kaugnay nito, ang legislative district ng Agusan del Norte ay kabibilangan ng Cabadbaran City at mga bayan ng Las Nieves, Buenavista, Carmen, Jabonga, Kitcharao, Magallanes, Nasipit, Remedios T. Romualdez, Santiago, at Tubay.
Sa ngayon, ang First District ay kinabibilangan ng Butuan City at mga bayan ng Las Nieves habang ang Second District ay kinabibilangan ng Cabadbaran City at iba pang mga bayan ng Agusan del Norte.
Ang reapportionment ng Agusan del Norte province ay eepekto sa 2025 national elections.
Kaugnay nito, ang mga incumbent representatives sa una at ikalawang Legislative Districts nitong lalawigan ay patuloy na magrerepresenta sa kani-kanilang mga legislative districts hanggang sa mag-i-expire ang kanilang termino.
Inatasan na rin sa ilalim ng batas ang Commission on Elections sa pag-issue ng mga mahahalagang rules and regulations.
Nagpalabas ng kopya ng RA 11714 ang palasyo ng Malakanyang kahapon at magiging epektibo ito 15 mga araw matapos itong mai-publish sa Official Gazette o kaya’y sa pahayagan na may general circulation