-- Advertisements --

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagre-regulate sa praktis ng speech language pathology sa Pilipinas.

Layunin ng Republic Act 11249 o ang Speech Language Pathology Act, na nilagdaan noong Marso 22, na luminang ng isang pangkat ng mga speech language pathologists sa bansa na may “world-class, internationally recognized, and globally competitive” na mga pamantayan.

Nakatakda namang bumuo ng isang Professional Regulatory Board of Speech Language Pathology sa ilalim ng Professional Regulation Commission 90 araw matapos maging epektibo ang bagong lagdang batas.

Inaatasan din ang lupon na pag-aralan ang mga kondisyon na nakakaapekto sa praktis ng speech language pathology sa bansa.

Sa ilalim din ng naturang batas, dadaan sa licensure examination na pamamahalaan ng board ang lahat ng mga aplikanteng nagnanais na maging bahagi ng propesyon ng speech language pathology.