Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbabawal sa pagpapakasal ng mga menor-de-edad.
Ang nasabing polisiya ay siyang magpoprotekta mula sa mga nakagawian at ang hindi kanais-nais na maagang responsibilidad.
Pinirmahan ang Republic Act 11596 o An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage at pag-implementa ng kaparusahan sa mga lumalabag noong Disyembre 10, 2021.
Nakasaad dito ang pagbabawal sa pag-iisang dibdib ng mga nasa edad 18 pababa sa simbahan man o sa huwis.
Nakalagay din dito ang pagbabawal ng pag-aayos ng mga child marriage, pagkakasal at ang pagpilit ng pagsasama ng mga may edad na at ang batas.
Labis naman ang pasalamat ni Deputy Speaker Bernadette Herrera-Dy ang may akda at co-sponsor ng panukala sa House of Representative dahil sa nabigyan ito ng atensiyon ng pangulo.