-- Advertisements --

Aprubado na ni Russian President Vladimir Putin ang batas na nagpapalawig sa karagdagang anim na taon na termino.

Dahil dito ay manunungkulan ito ng hanggang 2036.

Noon pang nakaraang taon ay ipinanukala na ng 68-anyos na pangulo bilang bahagi ng constitutional reforms at noong nakaraang buwan ay inaprubahan ito ng ng mga mambabatas.

Nangangahulugan nito na hindi pa matatanggal sa puwesto si Putin kahit magtatapos na ang kaniyang termino sa 2024.