Pormal nang pinirmahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na nagpapaliban sa December 2022 barangay at sangguniang kabataan elections (BSKE) patungo sa taong 2023.
Batay sa nilagdaang Republic Act No. 11935, ang 2022 BSKE ay gagawin na lamang sa huling Lunes ng October 2023.
Pagkatapos nito isusunod ang halalan muli sa barangay at sangguniang kabataan kada tatlong taon na.
Nakapaloob din sa bagong batas na ang term of office ng mga mahahalal na mga barangay at SK officials ay magsisimula sa Nov. 30 matapos ang eleksiyon.
Kung maalala una nang pinagtibay ng Senado at ng Kamara ang consolidated version ng House Bill No. 4673 at Senate Bill No. 1306 noong Sept. 28, 2022 sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo, tulad ng Namfrel at iba pa.