-- Advertisements --
Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte para tuluyan ng maging batas ang pagpataw ng community service sa mabababang kaso.
Laman ng Community Service Act (Republic Act 11362) na discretion na ng korte ang pagpataw na lamang ng community service imbes na parusang pagkakakulong.
Epektibo ito sa mga kaso na mayroong 30 araw na pagkakakulong o arestado.
Ang nasabing community service ay isang beses lamang na ipapataw sa mga offenders at kapag inulit pa ang nasabing kaso ay papatawan na ito ng mas mabigat na kaparusahan.