-- Advertisements --

Nasa kay Pangulong Rodrigo Duterte na ang bola kung pipirmahan ang naratipika ng kongreso na modernization bill ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Kabilang sa probisiyon na inaprubahan ay ang pag-aarmas sa mga bumbero.

Sa magkahiwalay na plenary session nitong Miyerkules nagkasundo ang Senado at House of Representatives na ratipikiahan ang na-ameyendang bicam report matapos na ibasura ito ng upper chamber nong Hunyo dahil sa nakalagay ang parehas na probisyon na pag-armas sa mga bumbero.

Nakakuha ng 14 na senador ang pumabor , apat ang umayaw at dalawa ang nag-abstain sa botohan.

Sa nasabing panukalang batas na papayagang magbitbit ng baril ang mga bumbero sa pamamagitan pagbuo ng BFP Security ng Protection Unit o SPU.