-- Advertisements --

Pinaamiyendahan ng Kamara ang Agri-Agra Reform Act of 2009 upang gawing madali at simple ang pag-utang ng mga magsasaka at mangingisda sa mga bangko sa bansa.

Inihain ni House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda ang House Bill 6039 dahil hindi aniya nakakamit ng umiiral na batas ang mga objectives nito.

Nananatili kasi aniyang mababa ang kinikita ng mga magsasaka at mangingisda bunsod da rin ng kawalan ng mekanismo at economic environment sa kanilang mga produkto, bukod pa sa high-risk credit market.

“To address this situation, the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) has advocated for reforms that will expand the market for Agri-Agra loans to include programs and projects that create value in rural communities. Such reforms will both address the concerns of banks and solve the main cause of the failure of the 2009 law – the lack of income-sustaining value chains for farmers and fisherfolk,” ani Salceda.

Itinutulak ng panukalang “Rural Agriculture and Fisheries Financing Enhancement System Act” ang ilang reporma sa mga bangko para suportahan ang mga. kailangang financial inclusion projects sa mga probinsya.

Sa ilalim kasi ng umiiral na batas, sinabi ni Salceda na inoobliga ang mga bangko na magtakda ng credit level para sa mga magsasaka at mangingisda.

Para masolusyunan ito, sinabi ni Salceda na sa kanyang panukala ay gagawing madali ang pagpapa-utang sa mga magsasaka at mgangisda pero sa mababang interest lamang.