-- Advertisements --
DUTERTE DU30
Pres. Duterte

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na layong dagdagan ang buwis sa sigarilyo at magpataw na rin ng tax sa e-cigarettes.

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, kinumpirma ito sa kanya ng isang Malacañang staff.

Napag-alamang nitong Huwebes ng lagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act number 11346.

Una nang inihayag ng Department of Finance (DOF) na sa oras na maipasa ang panukalang batas na ito, magiging P45 na ang buwis kada pakete ng sigarilyo mula sa kasalukuyang P35.

Gagamitin ang buwis na malilikom para sa pondohan ang implementasyon ng Universal Health Care Law.