-- Advertisements --
Duterte signing
Pres. Rodrigo Roa Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagmamandong lahat ng paaralan ay kinakailangang magkaroon ng neutral desks o arm chairs para sa mga estudyanteng right-handed at maging left-handed.

Saklaw ng batas ang lahat educational institutions, pribado o pampubliko mang mga paaralan.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11394, sa unang taon ng implementasyon ng batas, dapat magkaroon na agad ang bawat paaralan ng neutral desks na katumbas ng 10 porsyento ng populasyon ng kanilang mga estudyante.

Sa mga susunod na taon, dapat madagdagan ito para mabigyan na ang lahat ng mga mag-aaral.

Iniuutos din ng batas sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagtukoy ng regulasyon kabilang ang administrative penalties o multa sa mga hindi susunod.

Noong Agosto 22 pirmado ni Pangulong Duterte ang nasabing panukalang batas at nakatakda itong maging epektibo 15 araw matapos ang official publication.