Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na layuning palakasin ang Magna Carta para sa mga scientists, engineers, researchers at iba pang manggagawa sa sektor ng Science and Technology.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11312, nakasaad na dapat tiyakin ng gobyerno na ang mga Science and Technology personnel na may workload na higit pa sa mga scientist ay mabibigyan ng patas na kompensasyon.
Pinagbabawalan din ng batas ang mga kompanya at ahensya na maglagay ng limitasyon sa compensation package ng mga Science and Technology workers mula sa funded grants.
Ang bagong pirmang batas ay nag-aamyenda sa Republic Act 8439 na nagmamando ng kompensasyon para sa mga Science and Technology workers na hindi direktang nagtatrabaho sa Department of Science and Technology.
Batay din sa batas, ang mga retiradong scientists at technical workers ay dapat may magandang benepisyong tatanggapin sa kanilang pagretiro.