-- Advertisements --

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na nag-aarmas sa mga bombero.

fire firetruck

Kasama ang pag-aarmas sa mga bombero sa modernization bill ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Aminado ang pangulo na ang nasabing probisyon sa pag-aarmas ng mga bombero ay nagkaroon ng matinding debatehan sa kongreso.

Sinabi pa ng pangulo na walang kalaban-laban ang mga bombero sa mga residente na armado ng kutsilyo at baril tuwing may nirerespondehan silang sunog.

Kadalasang eksena kasi ay nais ng mga residente na na sila ang unahin na apulahin ang kanilang bahay.

Dagdag pa ng pangulo na may magagamit din ang mga bombero kapag sila ay hiningan ng tulong sa pagpapanatili ng katahimikan sa lugar.