Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magbibigay daan sa pagtatatag ng National Commission of Senior Citizens.
Batay sa Repubic Act No. 11350, mapapailalim sa Office of the President (OP) ang naturang komisyon na magkakaroon rin ng principal office sa National Capital Region at iba pang field offices.
Layunin ng komisyong ipatupad ang mga batas na para sa senior citizens at bumuo ng mga polisiya para isulong ang kapakanan nila.
Ang commission rin ang siyang kakatawan sa bansa sa international functions, fora, conferences at iba pang mga programna para sa senior citizens.
Bubuiin ang komisyon ng isang chairperson at anim na commissioners na nasa edad 60 pataas na kakatawan sa kinabibilangan nilang iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Ang pangulo ng bansa ang siyang magtatalaga ng chairperson at commissioners habang ang commission naman ang magtatalaga ng isang executive director.
Nakasaad rin sa batas na binubuwag na ang National Coordinating and Monitoring Board at ang paglilipat ng ilang functions o trabaho ng DSWD para sa senior citizens sa bagong commission.
Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang panukalang batas July 25, 2019 at nakatakda maging epektibo 15 araw matapos ang official publication nito.