-- Advertisements --

Dalawang tseke na nagkakahalaga ng tig-P1-Milyon ang tinanggap ng apat na Pinoy Olympians na pumunta sa Malakanyang.

Sa simpleng seremonya, iniabot ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang tig-P1M na cheke mula sa Office of the President kina professional golfer Dottie Ardina at ang mga gymnast na sina Aleah Cruz Finnegan, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar.

Ginawaran rin ang mga ito ng presidential citation para sa kanilang natatanging pagganap sa 2024 Paris Olympics.

Bukid dito, may pa-jacket pa si PBBM sa mga atleta.

Bago naman ang meet and greet sa Pangulo, iniabot ni PAGCOR chairman Al Tengco sa mga atleta ang tseke na galing sa kanila.

Matatandaang sa kanyang talumpati sa nakaraang heroes welcome para sa Pinoy Olympians ay kinantyawan ng Pangulo ang PAGCOR na baka pwede ring bigyan ng tig-iisang milyong piso ang mga atletang hindi nag-uwi ng medalya sa katatapos na Olympics.