-- Advertisements --

Ikinalungkot ng Philippine showbiz industry ang pagpanaw ng beteranong director at actor na si Manny Castañeda.

Ang pagpanaw ay kinumpirma ng kapwa director na si Jose Javier Reyes nitong umaga ng Hulyo 1.

Sa social media account ni Reyes ay nagpost ito ng larawan nilang dalawa at may mahabang mensahe.

Hindi naman na binanggit ng director ang sanhi ng pagpanaw ng kaibigan.

Taong 1979 ng magsimula ang acting career ni Castaneda sa pelikulang Aliw.

Kabilang din ito sa mga pelikula gaya ng “Oro Plata Mata” ,” Relasyon”, ” Bukas Luluhod Ang Mga Tala “, “Tinik Sa Dibdib” at “Sana’y Wala Nang Wakas”.

Ilan sa mga pelikulang kaniyang ginawa ay ang “Guwapings Dos” , “Ging Gang Gooly Giddyiyap” I Love You Daddy” at maraming iba pa.

Ilan sa mga showbiz personalities naman ang nagpaabot ng pakikidalamhati ay sina Agot Isidro, Richard Reynoso at maraming iba pa.