Inihayag ng batikang kolumnista na si E. Jean Carroll ang di-umano’y ginawang sexual assault sa kaniya noon ni US President Donald Trump.
Nangyari umano ang pansasamantala ni Trump sa kaniya sa dressing room ng isang department store noong 1995 at natigil lamang ito nang magpumiglas siya sa nais gawin ng kasalukuyang presidente ng Amerika.
Ang alegasyong ito ay parte ng kaniyang bagong libro kung saan inakusahan nito si Trump at iba pang kalalakihan nang pananamantala.
Madiin namang itinanggi ni Trump ang mga pahayag ni Carroll. Aniya, kahit kailan daw ay hindi nito nakilala ang kolumnista at sinusubukan lang nitong gamitin siya upang ibenta ang kaniyang libro.
Dagdag pa ni Jean sa kaniyang kwento, nagpatulong pa raw si Trump na mamili ng regalo kung saan nauwi sila sa lingerie section ng mall.
“The moment the dressing-room door is closed, he lunges at me, pushes me against the wall, hitting my head quite badly and puts his mouth against my lips,†saad ni Carroll.
“The next moment, still wearing correct business attire, shirt, tie, suit jacket, overcoat, he opens the overcoat, unzips his pants, and, forcing his fingers around my private area, thrusts his penis halfway — or completely, I’m not certain — inside me. I finally get a knee up high enough to push him out and off and I turn, open the door, and run out of the dressing room. The whole episode lasts no more than three minutes,†dagdag nito.
Hindi naman nito nagawang isumbong ang insidente sa mga otoridad dahil sa sobrang takot na baka hindi umano siya paniwalaan.
Sa kabila ng pagtanggi nib Trump na hindi nito kilala si Carrol ay naglabas naman ang New York Magazine ng isang article kuyng saan may kalakip itong litrato na makikitang nakikipag-usapito kay Carroll sa isang party.
Si Carroll ang ika-16 na nag-akusa kay Trump ng sexual misconduct simula nang tumakbo ito bilang presidente.