-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tatakbong vice-mayor ang dating alkalde at mamamahayag na si Elesio ”Jun” Garcesa sa Pigcawayan, Cotabato at ka-tandem nito ang incumbent vice-mayor na si Juanito ”Totoy” Agustin bilang mayoralty candidate.

Kasamang naghain ng certificate of candidacy (COC) nina Garcesa at Agustin ang kanilang mga myembro sa konseho

Makakatapat ni vice-mayor Agustin ang incumbent mayor na si Jean Dino Roquero na bago lang naghain ng kanyang COC.

Makakatunggali naman ni Garcesa ang dating municipal councilor na si Niel ake Casi.

Ang grupo nina Agustin at Garcesa ay sa ilalim ng Nacionalista Party kasama sina Vice-governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na tatakbo sa pagka-gobernador ng lalawigan at ang runningmate nito na si Cotabato Ist District Senior Board Member Shirlyn “Neneng” Macasarte na tatakbo sa pagkabise-gobernador na maghahain ng kanilang COC ngayong araw.

Kilala si Jun Garcesa bilang beteranong mamamahayag na dating nagtrabaho sa iba’t ibang himpilan ng radyo.