-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang multi-awarded journalist sa Central Mindanao na si Malu Cadeliña Manar.

Alas-6:05 ng gabi ng Linggo ay biglang inatake umano sa puso si Manar.

Agad dinala ng kanyang pamilya ang mamamahayag sa Kidapawan City Medical Specialist Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Si Manar, 52, ay makailang beses nang tumanggap ng parangal sa Pilipinas at labas ng bansa.

Kilala itong brodkaster at manunulat sa mga pahayagan sa bansa.

Agad naman na nagpaabot ng pakikiramay ang mga opisyal at miyembro ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP-Kidapawan Chapter) sa pamilya ni Manar.

“With great sadness, the NUJP North Cotabato would like to inform everyone about the sudden demise of one of the pillars of broadcasting. Our beloved Malou Cadelina Manar is now with our Creator. Our deepest condolences to the bereaved family and we encourage everyone to join us as we pray for the eternal repose of her soul. Rest in our God’s bosom,” ani Mark Anthony Tayco, presidente ng NUJP-Kidapawan.

Makailang beses na rin na umupong NUJP president si Manar at sa iba pang media organization sa bansa.

Ang mga mamamahayag sa Mindanao ay nagluluksa rin sa maagang pagpanaw ni Manar.