-- Advertisements --

Bacolod City – Binabaha ng pagbati ang batikang manunulat na si Ricky Lee matapos mapabilang sa inihayag ng Malacanang na paghirang sa mga bagong National Artist ng bansa sa pamamagitan ng anunsyo ng pinuno ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na si Nick Lizaso.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Ricky Lee, sinabi niyang hindi niya inaasahan ang ganitong mataas na parangal ngunit labis na nagagalak na isa nga sa mga hinirang na mga bagong National Artist ng Pilipinas.

Ilan sa mga kilalang ginawa ni Ricky Lee ay ang “Himala”, “Jose Rizal”, “Muro Ami”, at “Deathrow

Binahagi pa ng batikang manunulat ang kanyang reaksyon at kasalokoyang ginagawa para pasalamatan ang mga bumabati pa sa kanya.

”Hindi pa ako sobrang nakaka react kasi mula nang malaman ko kagabi, hanggang ngayon naging busy ako kaka react sa mga texts at messages ng mga kaibigan at react ako ng react sa kanila. But I’m sure masaya ako sa nangyayari dahil masaya ang mga kaibigan ko at lahat ng mga workshoppers” pahayag ni Ricky Lee sa Star FM Bacolod.

Maliban kay Ricky Lee at Gemino Abad para sa panulat at literatura, kabilang pa sa napili sina Nora Aunor sa pelikula, Fides Cuyugan Asensio sa musika, at si Agnes Locsin para sa sayaw.

Nahirang ding national artists ang mga yumaong sina Marilou Diaz Abaya sa pelikula, Tony Mabesa sa teatro, at si Salvacion Lim Higgins para sa fashion.