-- Advertisements --
Siniguro ni dating PNP chief at ngayo’y Sen.-elect Ronald Dela Rosa ang suporta nito sa Philippine National Police (PNP) sa kanilang modernization program.
Sa ngayon, inaantay na lamang ni Dela Rosa ang mga suhestiyon ng mga dati niyang kasamahan sa PNP na makakatulong upang masuportahan ang mga programa ng Pambansang pulisya.
Sinabi ni Dela Rosa may mga inputs siyang hinihintay mula kina kay MGen. Cesar Binag at MGen. Bong Durana na maari niyang ilagay sa kanyang legislative agenda.
Giit ng dating PNP chief na uunahin niya ang pinakagusto ng PNP na kanyang maibibigay.
Batid din nito ang mga kakulangan sa PNP dahil sa dati naman siyang nagsilbi bilang hepe ng pulisya.