-- Advertisements --
Mariing itinanggi ni Senator-elect Ronald Dela Rosa ngayong araw na siya at iba pang neophytes na mga mambabatas ay humihingi ng major committees na hahawakan sa Senado, gayundin ang pagsusulong na gawing Senate President si Sen. Cynthia Villar.
Sa isang panayam, iginiit ni Dela Rosa na bukas siya sa anumang komite na ibigay sa kanya.
Nakakahiya aniya na kakapasok lamang nila sa Senado at magdi-demand na sila sa komiteng hahawakan.
Para naman sa usapin tungkol sa liderato ng Senado, pagdidesisyunan aniya ito ng mayorya.
Sa katunayan, kung siya raw ang tatanungin ay wala pa siyang pinal na desisyon kung sino ang kanyang susuportahan sa Senate presidency.