ILOILO CITY – Inaabangan na ang Battle of the Bands ng Bombo Radyo at Star FM sa Dinagyang Festival 2020: Free Concert, Free T-Shirt na gaganapin sa Plazuela Mayor ng Plazuela de Iloilo umpisa 6:00 ngayong gabi.
10 banda ang magtatagisan ng galing na kinabibilangan ng: Dos, Gen X & Y, Khaeden, Art of Deadma, TMC, Maria Cafra, Queue, Nicene Creed, Garahe Suroy-an at Taft Road.
Ang 1st Place ay makakatanggap ng P30,000, 2nd place ay makakatanggap ng P20,000 at P10,000 naman ang 3rd place.
Walang uuwing luhaan dahil ang mga hindi pinalad na banda ay mag-uuwi ng consolation prize na P2,000.
Kabilang sa mga nagbigay ng premyo ay ang food concessionaires o tenants ng Plazuela de Iloilo, P15,000 para sa 1st prize; P10,000 para sa 2nd prize at P5,000 para sa 3rd prize.
Maliban sa performance ng mga banda, may inihandang laro at magbibigay rin ng limited edition T-Shirt ang Bombo Radyo at Star FM para sa mga manunuod ng Battle of the Bands.
Napag-alaman na ang Battle of the Bands ng Bombo Radyo at Star FM sa Dinagyang Festival 2020: Free Concert, Free T-Shirt ay paraan ng Bombo Radyo Philippines para sa pagsulong ng local talents sa larangan ng musika at pagdiwang ng Dinagyang Festival.
Samantala, inaabangan rin ang resulta ng Miss Iloilo 2020 kung saan 11 kandidata ang maglalaban-laban para sa tatlong korona na kinabibilangan ng Miss Iloilo 2020, Miss Iloilo Dinagyang 2020 at Miss Iloilo World 2020.
Gaganapin ang coronation night ngayong gabi sa West Visayas State University Cultural center kung saan ang TV Host na si Robi Dominggo ang magsisilbing host habang mas ka abang-abang naman ayon sa Miss Iloilo 2020 organizers kung sino ang magiging set of judges.