-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Umusad na ang Phase 2 ng Project “BESST” sa Boracay sa pangunguna ng pulisya at ng local government unit ng Malay, Aklan upang maging “Discipline Zone” ang isla.

Ang naturang operasyon ay tinawag na “Battle of the Mainroad” kung saan striktong ipinapatupad ang mga batas trapiko sa isla ng Boracay.

Ito ay kinabibilangan ng Municipal Traffic Code ng Malay at ang Municipal Ordinance No. 348 o ang Driver’s Accreditation Ordinance na ipinatutupad ng PNP, MTRO, at MAP.

Layunin umano nito na madisiplina ang mga motorista, masiguro ang road safety at daloy ng trapiko.

Samantala, papatawan ng kaukulang penalidad ang sinumang mahuling lalabag dito.

Nabatid na bago nagsimula ang “Battle of the Mainroad” ngayong araw, ilang information drive na isinagawa ng kapulisan at ng pamahalaang lokal.