Mas mabuti umanong abangan na lamang ng mga supporters ni Binibining Pilipinas 2019 Gazini Ganados ang kanyang magiging paraan ng paglaban sa Miss Universe ngayong taon.
Ayon sa 23-year-old Fil-Palestinian model na tubong Dapitan City sa Zamboanga, gagawin niya ang kanyang best strategy sa pagiging kinatawan ng bansa sa prestihiyosong coronation night pero hindi muna isasapubliko.
“That would be a secret for now, for you to look forward to it,” saad nito sa pep.
Una nang inamin ng Cebuana beauty na pressured siyang maibigay sa bansa ang back-to-back win ni Catriona Magnayon Gray.
Nabatid na ang half Pinay model ay nag-iisang anak ng kanyang single mother at hindi pa kailanman nakilala ang ama na isang Palestinian.
Dahil dito ay lumaking malapit sa kanyang mga lolo at lola si Ganados na naging dahilan upang piliin niya ang mga matatatanda sa kanyang advocacy.
Nabatid na sumali na siya sa Miss World Philippines 2014 at iba pang local pageants.
Sa ngayon ay wala pang final venue kung saan gaganapin ang 2019 Miss Universe pero sa panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na kabilang ang United Arab Emirates at South Korea sa mga nagtutunggalian para sa hosting.