Malaking tulong para sa mga Filipino seafarers ang pinagtibay na bagong batas ang Magna carta for Filipino Seafarers.
Ito ang binigyang-diin ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista sa isang panayam sa Palasyo ng Malakanyang.
Sinabi ni Bautista na matagal na nilang hinihintay na lagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos ang nasabing batas dahil napaka halaga ito para sa mga Filipinong seaman na nagta trabaho sa internasyunal na karagatan.
Ayon kay Bautista napakaganda ng ng nasabing batas na layong i-define ang mga benepisyo na makukuha ng mga ito.
Makukuha na rin ng mga ito ang mga kinakailangang training.
Sa pamamagitan din ng batas ay palalakasin ang pagsasanay sa mga marino para makasunod sila sa international maritime standards.
Ipinunto ni Bautista na ang nasabing batas ay para sa kabutihan ng mga seafarers.
Sa ilalim ng batas, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos na mas pinagting ang pagbibigay proteksyon sa kaligtasan at karapatan ng Filipino seafarers.
Sa harap na rin aniya ito ng madalas na pagkakaipit ng mga pinoy seaman sa karagatan mula sa kamay ng mga rebelde, o sa mga insidente ng hostage at pamimirata.
Ayon sa pangulo, hindi lamang ito magsisilbing tribute sa mga sakripisyo ng mga mandaragat kundi ang paghulma sa kanilang magandang kinabukasan kung saan ang kanilang boses ay naririnig, ang mga karapatan ay naitataguyod at nararamdaman ng kanilang pamilya ang suporta ng bayan dahil nauunawaan ang bigat ng kanilang papel at tungkulin sa ekonomiya ng bansa.