-- Advertisements --

Magkakaroon ng bawas presyo sa mga produktong langis sa bansa.

Inaasahan na magbabawas ng P0.30 hanggang P0.40 sa kada litro ng gasolina habang mayroong P0.10 hanggang P0.15 sa kada litro naman ng kerosene ang ibabawas.

Wala namang paggalaw ang diesel.

Ilan sa nakikitang dahilan ay ang desisyon ng Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magdagdag ng produksyon ng mga langis.